Liham Para Sa Yumaong Ate B

R.I.P. Gng. Maria Belen Lim a.k.a. “Ate B”

*****Posthumous Letter Tribute*****

Dear Ate B.,

Kinuha ka na ni Lord para hindi na magtagal ang paghihirap mo.

Maraming salamat sa ilang taon mong mapag-arugang paninilbihan sa canteen ng Informatics College Eastwood Campus, mula sa dati nitong location sa ICITE Bldg. hanggang sa kasalukuyan.

Ilang daang estudyante sa amin, kabilang ang mga guro, at faculty staff ng aming kolehiyo ang nakatikim ng masarap mong luto, nakaramdam ng mapagkalingang pag-a-asikaso, nakarinig ng iyong mga interesante at kakatuwang kwento.

Mas kilala mo ang mga teachers at staff kaysa sa karamihan sa’ming mga estudyante at alam ang kanilang mga schedules at room, na taos puso mong binabahagi sa mga bagong estudyanteng naliligaw kung saan dapat pumunta.

Ate B

Mami-miss kong magpa-reserve sa’yo ng kanin at ulam sa umaga bago mag-simula ang aking mga pinapasukang klase.

Minsan, kahit may kulang ang akong bayad na barya, ay bina-balewala mo na lang dahil alam mong ako’y ulila at working student.

Ate B., mami-miss kong makipag-kwentuhan sa’yo: ang usisain mo ang buhay kong parang bukas na karinderya na handang ibahagi ang aking mga pagsubok at tagumpay sa sinumang interesadong makinig sa’king mga MMK (Maalaala Mo Kaya) stories.

Ganun ka kasi ka-concern sa mga estudyante.

Mami-miss kong marinig ang pagpapatugtog mo sa’yong munting radyo ng mga FM songs na luma at nakaka-relate ako habang ako’y nagme-meryenda bago pumasok sa aking trabaho.

Mami-miss kong marinig yung mga kwento mo sa pamilya mo, kung gaano mo kamahal at gaano ka ka-proud sa mga anak mo.

Yung mga kwento mo ng pagpu-pursigi kahit napapagod ka na dahil feeling mo mas magkakasakit ka kung naka-tengga ka lang sa bahay, kaya kahit na minsan ay nakaka-tulog ka dahil sa pagod sa mesa habang kakwentuhan mo si Ate Miriam.

Mami-miss ko ang mga hagalpak ng tawa mo, sa mga “juicy updates” na alam mo sa mga latest happenings ng school, sa kwentuhang wagas na parang wala nang bukas.

Ate B., sobrang mami-miss ka namin. Pero alam kong mas masaya ka na kung saan ka naroroon ngayon. Dyan kung saan wala nang sakit, mga luha, sakripisyo at paghihirap.

Rest in peace, Ate B.

Mahal ka naming mga dati at kasalukuyang estudyante, guro, at faculty staff sa Informatics College – Eastwood Campus.

****Photo art by Xavier Daniel (Van)****

P.S. Layunin ko dito ay makarating ang mensaheng ito sa lahat ng nagmamalasakit kay Ate B, para tayong lahat ay magpa-abot ng panalangin, pagbisita, o anumang tulong para sa kanyang naulilang pamilya.

Advertisements

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s