Hugot Pasko: Anti-12 Days of Christmas

Ngayong taon, malungkot ba ang Pasko mo dahil ilan sa mga sumusunod na dahilan?

1. Pinaglumaang damit at sapatos ng iba ang bago mong gamit ngayong Pasko

2. Feeling mo hindi ka mahal ng mahal mo

3. Nawalan ka ng trabaho

4. Apply ka ng apply pero wala ka pa ring mapasukan

5. Wala kang pera pang-Noche Buena

6. Tinraydor ka ng kaibigan mo

7. Labas-masok kayo ng mahal mo sa buhay sa ospital

8. Namatayan ka ng mahal mo sa buhay

9. Nag-break kayo ng girlfriend mo

10. Ilang beses mong dineactivate ang Facebook account mo dahil nanliliit ka kumpara sa kaganapan sa buhay ng mga kaibigan mo

11. Feeling mo nag-iisa ka lang sa buong mundo

12. Makailang ulit kang nanalanging kunin ka na ni Lord pero buhay ka pa rin

xristougenna-1

Isa o ilan ba dito ang kwentong hugot mo ngayong Pasko?

Alam mo, sa maniwala ka’t sa hindi, naging kwento ko rin ang lahat ng ito sa iba’t ibang panahon sa buhay ko.

Napagdaanan kong lahat ng iyan. At yung iba, pinagdaraanan pa rin sa kasalukuyan.

Pero heto pa rin ako, lumalaban sa buhay.

Nagbibigay ng taos-puso.

Nagmamahal kahit madalas, walang kapalit.

Kaibigan, hindi ka nag-iisa. Maraming ganyan sa ating bayan. Lalo na sa bansa nating maagang pinaghahandaan at malaking bagay ang Pasko.

Sana maisip mo, malungkot man ang iyong Pasko ngayon, lilipas din ito.

At sana maranasan mo ang pagmamahal na alay sa’yo ng Panginoong Hesu-Kristo.

Siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala.

Siya ang nagbigay ng Kanyang buhay ng taos-puso.

Siya ang laging nagmamahal, kahit walang kapalit.

Kaibigan, dalangin ko para sa’yo ngayong Pasko, nawa’y umapaw ang buhay mo sa kagalakan, kapayapaan, at pagmamahal ng ating Panginoong Diyos.

Tahan na…lilipas din yan.

Advertisements

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s