Ibulong Mo Sa Diyos

– a posthumous piece I wrote in honor of my late beloved cousin, Bernard Pantonial, “Kuya Totong” (R.I.P.)

Kuya Totong, maraming salamat sa’yo sa buhay mong puno ng pagmamahal at paglilingkod sa’yong pamilya at kapwa.

Sa buhay mong puno man ng pagsisikhay at pagsubok, umaapaw naman sa kagalakan, pananampalataya, at inspirasyon.

Buong buhay mo’y larawan ng pag-ibig at kabutihan ng Panginoon. Sa kabila ng mga kahirapan at karamdaman mong pinagdaanan, nanatiling busilak ang iyong kalooban.

Hanggang sa huling araw na tayo ay nagkausap, pinahanga mo pa rin ako sa’yong pananampalataya, karunungan at ka-kwelahan.

Ibang klase ka talaga, pinsan.
Saludo ako sa’yo hanggang sa’yong huling hininga.

Pakiusap lang, Kuya Totong, ngayong nasa kaharian ka na ng Diyos. Ibulong mo naman sa Kanya ang mga dasal kong parang hindi Niya naririnig, kasi parang malakas ka sa Kanya.

Ibulong mo sa Diyos yung mga hinaing at pasanin kong tila patuloy Niyang ipinagkakatiwala sa’kin.

Hindi ako kasing-lakas mo sa pananampalataya, Kuya Totong.

Wala akong kagalakang hindi nauubos na ikaw lang ang meron.

Napapagod ako sa paglilingkod sa kapwa pero ikaw parang hindi.

Malakas ka sa Kanya dahil kinuha ka na Niya sa amin.

Para hindi na humaba ang iyong paghihirap.

Para wakasan na ang mga pasakit na dama mo pero ayaw mong ipakita sa’min.

Ibulong mo rin sa Diyos ang aming pasasalamat sa Kanya para sa makabuluhan mong buhay na ibinahagi mo sa amin.

Naging daluyan ka ng pagpapala, kagalakan, at katapatan ng Diyos sa aming lahat. Maraming salamat sa’yo, Kuya Totong.

Ibang klase ka talaga, pinsan.
Saludo ako sa’yo hanggang sa’yong huling hininga.

Mahal na mahal ka naming lahat.

Hinding-hindi ka namin malilimutan.

Paalam, Kuya Totong…hanggang sa muling pagkikita.

Image may contain: 3 people , closeup

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s