Tatay

Tatay.png

Kawangis mo ako sa maraming bagay, kahit ayaw ko mang aminin.

Idol kita noon sa’yong mga kalakasan, kahit hindi ko man nasabi.

 

Nauna kang pumanay kay Nanay, pero ang iyong mga alaalang iniwan ay

gayunding sing-timyas at sing-tingkad, kahit gaano pa ka-pait ng ilan,

sa dami ba naman at tindi ng mga hirap mong pinagdaanan.

 

Tatay, maraming salamat sa buhay mong

puno man ng pagsubok at pasakit,                                             

buong puso mo namang inialay sa ating pamilya.

 

Maraming salamat sa mga aral ng buhay na

kailanma’y hindi ko malilimutan.

Dahil sa’yong halimbawa, pihado ako at pagsusumikapan kong,

maging mas mabuti akong ama sa aking magiging pamilya sa

sana’y malapit nang hinaharap.

 

Salamat, Tatay. Maraming salamat.

At muli, paalam.

Hanggang sa muli nating pagkikita

sa kabilang buhay.

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s