Sulat Para sa Yumaong Ina

first posted on Facebook last March 25, 2016

Dear Nanay,

Happy birthday sa’yo! Mahal na mahal kita, alam mo yan. Mahal na mahal ka naming limang magkakapatid.

Alam kong masaya ka na ngayon kasama ni Tatay sa kabilang buhay. 61 years old ka na dapat ngayon kung kasama ka pa namin dito.

Si Nanay at Ako

Tatlong taon na ang nakalipas simula nung mawala ka pero hindi ko pa rin mapigilang maiyak sa tuwing naaalala ko kung paano ka pumanaw. At kung paano ka lumaban para sa buhay mo. At kung paano ka namin ipinaglaban sa kahit papaanong paraan. At kung paano namin ipinakita sa’yo ang pagmamahal namin simula nung malaman naming bilang na ang mga araw mo.

Ako ang madalas mong kasama nun sa pabalik-balik natin sa iba-ibang ospital, dahil ako yung single at available sa magkakapatid.

Sinusuklayan kita dati sa mahaba mong buhok na kailan man ayaw mong ipaputol.

Bumibili ng mga gamot mo sa kung saan-saang botika.

Inaanyayahan kang palagi na manalangin lalo nung nasa ospital pa tayo.

Marami kang pinagdaanang hirap sa buhay, at kung sana kasama ka pa namin ngayon, naiparamdam sana namin sa’yo ang mga mumunti pang saya at ginhawa dahil kahit papaano’y umigi na ang buhay naming magkakapatid.

Nanay, ang hirap pala ng buhay nang wala kayong pareho ni Tatay.

Maraming beses kong nararamdaman ang pangungulila sa inyong dalawa, lalo na sa’yo dahil mas naunang nawala si Tatay. Ang tindi ng hinagpis na para bang laging may kulang. Yung bang ang lalim, lalim ng sakit, ng puwang, ng kahungkagan.

Sobrang laking responsibilidad ang naiwan nyo sa’kin bilang panganay na anak, na hanggang ngayon, pilit ko pa ring ginagampanan sa abot ng makakaya ko…pero sobrang dami na rin kasing nangyari sa’ming magkakapatid simula nung mawala kayo.

Balang araw, Nanay, pag nakita ko kayo uli ni Tatay sa biyaya ng Diyos, andami kong ikukwento sa inyo.

Mahal na mahal kita, Nanay. Sobrang miss na miss na kita.

Paalam ulit, Nanay. Paalam na.

___________
Related posts:

 

 

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s