Diskarteng Estudyante: Ang Buhay Ay Isang Malaking Paaralan

Sana’y nasa mabuti kayong kalagayan sa pagbasa nyo ng sulat kong ito.

Naisipan kong gawan kayo ng sulat para maibahagi sa inyo ang ilang mga mga “pasaway na diskarteng estudyante.” Mga gawaing mali na kelangan na nating baguhin bago mahuli ng guro o magsisi sa huli.

cheating students

Ang buhay ay isang malaking paaralan. Ito ay isang mahabang tele-serye ng pag-aaral, pagkakamali, pagkatuto, pagbangong muli, at (sana sa huli ay) pagtatagumpay.

5 Warnings

Medyo mahaba itong sulat ko kaya ‘wag mong basahin ito kung:

  1. Wala kang hilig sa pagbabasa

  2. Wala kang time sa mga importanteng bagay

  3. Wala kang balak magtapos ng pag-aaral sa tamang panahon

  4. Wala kang balak mag-tagumpay sa buhay sa sarili mong larangan at kapamaraanan

  5. Wala kang tapang na tanggapin ang mga kamalian mo, nating lahat, at baguhin ang mga ito

Gayunpaman, datapwat, bagamat mahaba ito, may mga baon din naman akong jokes (kahit corny) para hindi ka masyadong ma-bore (o malunod sa lalim) ng mga nilalaman nito. Pramis!

Paalala ko lang na ginawa ko ito hindi para mangutya o manira ng tao, kundi bilang pagmamalasakit at pamamatnubay mula sa “nakatatandang” kaklase nyo.

Hindi ako perpekto. Nagkakamali at nagkakasala rin ako. Pero gusto kong makatulong kahit papaano kaya ko ginawa ang sulat na’to para sa inyo.

3 Main Objectives

Kahit na marami pang ibang student issues na dapat talakayin, tatlong bagay lang ang gusto ko sanang i-address sa sulat kong ito sa inyo:

  1. Ang talamak na pangongopya at pag-gamit ng kodigo ng mga sagot sa quiz o major exams

  2. Ang hindi pagdadala ng yellow paper at ballpen para sa mga quiz at exam

  3. Ang pagiging “physically present” pero “mentally absent” sa klase habang nagtuturo ang guro

Pakiusap na bago sana kayo mag-comment dito ay basahin nyo muna ang kabuuan nito para wala tayong misunderstanding. Hindi ito pandidikta kundi isang apila. Hindi ito sermon kundi isang hamon.

Marapatin nyong magpakilala ako sa inyo ng bahagya para magkaroon ng konteksto ang sulat kong ito.

Sino Ako?

Just call me “Adrian.” Ako ay 36 years old, panganay sa limang magkakapatid, ulila na sa ama’t ina. I currently work as a Corporate English Trainer for European working professionals at night. At nag-aaral ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Marketing Management sa umaga sa school natin.

Nakapag-tapos ako ng two-years course sa Computer Science (Associate Degree) sa Asian College, Cubao, Quezon City noong 1998 sa tulong ng Tita kong tumustos sa’king pag-aaral noon. (Editor-in-Chief rin ako ng college yearbook namin doon.)

In all honesty and modesty aside, sa sipag at tyaga, pinalad akong nakapag-work sa ilang international companies sa Metro Manila sa loob ng 14 years, sa kabila ng kakapusan ng Bachelor’s Degree. Last year, 2014, nag-desisyon akong mag-abroad at mag-work sa isang international cruise ship kung saan pinalad akong makapag-travel sa humigit kumulang 10 bansa sa mundo.

3 Hot Issues Revisited

Ang kolehiyong ito ay training ground natin para sa real world pagdating ng tamang panahon.

Dito, hindi lang tayo natututo ng mga teorya sa klase, kundi nahuhubog rin sa panahong ito ang ating personality, habits, at character na habang buhay nating dadalhin sa “real world” matapos nating gumradweyt o huminto man ng pag-aaral.

Balikan natin yung tatlong “hot issues” na nabanggit ko na hindi lang naman sa paaralan natin nagaganap kundi posibleng sa lahat ng paaralan sa Pilipinas.

  1. Ang talamak na pangongopya at pag-gamit ng kodigo ng sagot sa quiz o major exams

Alam naman nating mali ito pero patuloy nating ginagawa. Para pumasa, di bale nang mangopya sa kaklase o gumamit ng kodigo (ex. gamit ang kapirasong papel, smartphone, tablet, etc.). Akala natin nakalusot tayo o nadaya natin ang mga guro natin. Pero ang hindi natin nari-realize ay dinadaya pala natin ang mga sarili natin para sa tamang prosesong kelangan nating pagdaanan para mahubog ang character bilang paghahanda sa mga darating na hamon sa buhay natin.

Life Lesson #1: Honesty is the best policy.

Magtataka pa ba kayo kung bakit may mga corrupt na government officials? Ang pandaraya ay nagsisimula sa mga maliit na bagay hanggang sa lumaki ito. Pwede itong magsimula sa simpleng pangongopya at pangongodigo lang sa school. Kung gawain mo ito, nagiging bahagi na ito ng sistema ng katawan mo, kaya madali na lang mandaya sa iba pang paraan.

Hindi naman lahat ng mga pagsubok sa buhay (na sinisimbolo ng mga quiz at major exams) ay nadadala sa shortcut at pandaraya.

Kapag nag-sipag at nag-tyaga tayong mag-aral kahit boring pa ang teacher, madadala natin ang attitude at disiplinang iyan sa pagta-trabaho at pagtanda natin.

  1. Ang hindi pagdadala ng yellow paper at ballpen para sa mga quiz at exam

Batu-bato sa langit ang tamaan ay wag magalit. Isa lang naman ako sa mga nahihingan ng mga estudyanteng tila wala yata talagang balak magdala ng yellow paper at sarili nilang ballpen sa klase.

Saan napupunta ang budget na binibigay sa inyo ng mga nagpapa-aral sa inyo? Bahaginan nyo kaya ako ng porsyento nun para may income din ako na pambayad ng tuition ko? (Timping gigil) Makunsensya naman kayo pag may time sa mga naaabala nyo, di ba? (Gigil pa more!)

Sabi nga ng mga guro natin: para kang sundalong sumabak sa gyera ng walang baril at bala pag wala kang dalang yellow paper at ballpen.

Gets ko na masyado ka nang dependent sa smartphone/tablet/laptop mo sa pag-take down ng notes sa klase. Pero hindi ko gets kung talagang nalilimutan mo lang ba ang pagdadala ng yellow paper at ballpen dahil may mga classmates kang mahihingan nito sa oras ng pangangailangan mo. Paki-explain. Labyu!😉

Life Lesson #2: Life is filled with challenges. Be equipped and ready to succeed.

Psst, classmate! Usapang matino ito, ha? Sa totoong buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may mga classmates, ka-pamilya’t kaibigan kang pwedeng umalalay sa’yo.

Maraming pagkakataon na kelangan mong maging handa sa anumang hamon na ibabato sa’yo ng buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may masasandalan ka at mahihingan ka ng tulong. Kelangan mong matututong i-provide ang mga sarili mong pangangailangan.

You have to be ready at all times, as best as you can.

Wag mong iiwan ang common sense sa bahay nyo, gaya ng pag-iwan mo sa yellow paper at ballpen, maging sa book/s na ginagamit mo dapat sa oras ng lecture sa klase.

O.M.G! (Oh, My Gulay!) Paano ka pagtitiwalaan ng future employer mo at ng ibang tao kung yung mga simpleng bagay lang ay hindi mo kayang gawin? Hindi ako galit, ah? Nagpapaliwanag lang. LOL!

  1. Ang pagiging “physically present” pero “mentally absent” sa klase habang nagtuturo ang guro

Mga mahal kong classmates, fellow countrymen, mga ka-pamilya, kapatid at ka-puso: aminin na natin na sa lahat naman ng school ay may mga gurong feeling natin ay nakaka-antok magturo o hindi interesante. Pero hindi tamang excuse yun para hindi natin gawin yung part natin: ang maging both physically and mentally present sa klase para:

  1. bilang respeto sa gurong nagtuturo sa harap,

  2. bilang pagpapahalaga sa paghihirap ng mga nagpapa-aral sa atin, at

  3. bilang pagpapahalaga sa mga aral na matututunan natin sa klase

Lahat tayo posibleng guilty dito. Madalas, hindi tayo nakikinig o nagpa-participate sa klase kasi may ibang topic na pinag-usapan na hindi related sa klase. O di kaya, busy tayo masyado sa cellphone, tablet, or laptop natin. Kaya naman pag dating ng quiz or exam, dahil hindi fully prepared, kakapit na naman sa patalim: mangongopya o mangongodigo. (Thinking out loud.)

Life Lesson #3: You reap what you sow.

One small sin could lead to another. And later on, we may get caught in our own sins. And even if hindi tayo mahuli sa’ting mga maling gawi, nakikita ng Diyos ang lahat ng ito. O kung hindi ka naniniwala sa Diyos, sabi ng isang kasabihan: “Kung ano ang iyong itinanim, siya mo ring aanihin.” Babalik rin sa’yo ang lahat ng mga bunga ng iyong mga gawi, both good and bad.

Bating Pangwakas

Ang buhay ay isang malaking paaralan. Ito ay isang mahabang tele-serye ng pag-aaral, pagkakamali, pagkatuto, pagbangong muli, at (sana sa huli ay) pagtatagumpay. Gustuhin man natin, hindi lahat tayo ay makakapag-tapos ng pag-aaral sa college. Hindi rin lahat ng matatalino sa klase ay garantisadong matagumpay sa buhay.

Gayunpaman, datapwat, bagamat [insert other nosebleed Tagalog words here.] Mahalaga ang pagkakaroon ng “diskarte.” Pero ang diskarteng yan, kapag walang kaakibat na right attitude at good character, pihadong hindi rin magtatagal ang mga bunga ng iyong paghihirap.

Mahal kong classmates, mas masarap i-enjoy ang mga bagay na nakuha mo sa tamang paraan, mga bagay na pinaghirapan mong mapagtagumpayan. Yung bang hindi ka nakaka-perwisyo ng kapwa mo at bagkus ay nakakatulong ka pa kahit papaano.

Sabi nga ng yumaong henyo na si Ernie Baron, “Knowledge is power.” Pero kung hindi natin isasabuhay ang mga aral na natutunan natin sa paaralan, parang nag-sayang lang tayo ng pera, pagod, at panahon.

Gising-gising din pag may time. It’s now high time for a “cool change.” Peace out. I love you all! 😉

Excellence honors God and inspires people.” – Bill Hybels.

7 responses to “Diskarteng Estudyante: Ang Buhay Ay Isang Malaking Paaralan

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s