Hindi Ako Matitinag #02142014

Hindi ako matitinag

Baluktutin niyo man ang aking mga katotohanan,

Isasabuhay ko ang aking piniling realidad.

Harangan niyo man ng sibat ang aking daraanan,

Sa bagwis ng agila, ako ay lilipad.

 

Hindi ako nagsasayang ng panahon sa aking mga pakikitungo

Bawa’t minuto’y kakabit ng bukas na binubuo

Minsa’y maglalaro, ngunit laging naninibugho

Patungo sa pangarap na nililiyag nitong puso

 

Iwan man akong mag-isa sa landas ng mga kaibigang talipandas,

Mas gagawin pa nitong madali ang aking paglalakbay

Sa mga nag-a-agawang kwento ng pag-ahong walang wagas,

Hindi nito kayang kitlin ang pag-asa at pag-usad ko tungong bukas

 

Ang Diyos ang Tanggulan ko, Takbuhan ko, Kaibigan ko,
Saan man ako dalhin ng ihip ng tadhana at agos ng panahon…

Hindi ako matitinag.

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s