Sa Dulo May Liwanag

Para sa kaibigan kong taga – “Ang Dating Daan”

Isinulat noong ika-9 ng Abril 2001, 10:52 ng gabi

Nanggaling ka sa dating daan nung ako’y isinilang muli. Nagkita tayo sa landas nitong buhay na puno ng samu’t saring kulay. Patungo tayo sa dulong liwanag na ating nililiyag, habang pinipilit nating magpatuloy sa bagong buhay na nilalakbay.

Malabo ang mukha mo sa gunita ko, pero tinatangay ng hangin sa akin ang ipa ng bawat mong salita. At ang sangkap ng kanyang tangan ay nagpapalakas ng katauhan ng bawat mong maka-engkwentrong tao. Sa buhay mong puno ng kwento, iba’t ibang diwa kanilang nai-imbento.

summer-morning

Huwag mong hayaang basta na lamang tangayin ng hangin ang iyong bawat panalangin.

Habang naghihintay ang kanluran sa paglubog ng araw, habang tinatahak mo landas ng lumang daan, lagi mong tandaan na mayron kang kaibigan sa pag-abot ng pangako ng bagong umaga sa buhay mo.

Kapatid sa labas ng hinagap mo – na nakamasid sa bawat yapak mo, nananalanging nawa’y di ka maligaw sa gitna ng tindi ng sikat ng araw. At kung kailangang magpahinga upang huminga ng malalim bilang paghahanda sa panibagong pakikibaka, naghihintay syang ika’y paglingkuran, kamahalan.

Diyan sa may di kalayuan, sa tabi ng iyong dinaraanan, laging bukas ang kanyang pintuan upang ika’y tulungan.

Siya’y maligaya rin sa bawat mong tagumpay. At handang makibahagi sa’yong pagkalumbay. Kahit iba man ang daan na kanyang nilalakaran, isa lang at wala nang iba pa, ang nais nyong patunguhan.

Mayron siyang sariling misyon na iba sa’yong ambisyon. Tulungan nyo ang isa’t isang lumago, hindi upang lumayo, sa kani-kanya nyong pananampalataya. Sansalain sa puso ang inyong adhikain! Dinggin ang Lumikha sa Kanyang pagtawag…pasang-krus man hanggang sa dulong may liwanag.

2 responses to “Sa Dulo May Liwanag

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s