Kuwan…

Isinulat noong ika-26 ng Disyembre 2000, in-edit ng onti para magamit ngayon

Kung minsan, mas mahalaga ang pagkakaroon ng mga tamang katanungan na magdadala sa’tin sa mga akma at napapanahong kasagutan…kahit na wala pa ang mga sagot…sa ngayon.

Ewan ko. Hindi ko alam. Hindi ko malaman kung nasaan ako sa kumplikado kong mundo. Masyado akong maraming iniisip…inaalala.

Thinking-Guy-aponline.com.au-uk5gw3

Sa sarili ko pa lang ay di na magkasya ang panahon sa pagpapa-inog ng mga kumplikasyon, pati problema ng ibang tao at ng buong mundo napag-i-isipan ko pa. Hindi ko na tuloy alam kung ano’ng kahahantungan ko sa huli pagkatapos ng lahat ng pagbu-bulay-bulay na’to.

May nagsabi na madalas na expression daw ng isang Aquarian na gaya ko ay “I know…” Alam ko? Hindi naman lahat alam ko eh.

Ang hirap kasi sa tao, lahat ng bagay binibigyan nya ng pangalan, ng pagkakakilanlan, ng kahulugan. At walang kapararakang kabuluhan upang maka-gawa ng marka, makapag-imbento ng sariling kasaysayan para sa pansariling kapakanan.

Dapat ganito. Dapat ganyan. Para ganito ang kalabasan…ganyan. Walang kapararakan.

Dati, napansin ko, may bahid ng katotohanan ang bagay na’to. Pero habang lumalaon, mali pala siya. Hindi ganun sa lahat ng pagkakataon. Gaya ngayon. Puros pagdudududa ang nasa kukote ko. Paano kung hindi mag-work ang mga plano ko? Ano kayang iisipin nila sa mga gagawin kong desisyon?

Nilalamon ako ng sarili kong kaguluhan. Sinasakal ako ng sarili kong kabalintunaan.

Ewan ko ba kung bakit kelangang umabot ako sa puntong ito, matapos ang mga matatamis na salitang binitiwan ko…nila. Mga pangungusap ng kasiguruhan, kagalakan, at kapayapaan. Naririto uli ako sa dati kong ako…magulo, mapagbago, walang pagka-kuntento.

Ano na ngayon? Anong dapat gawin? Anong unang hakbang?

Ano? Paano? Bakit? Tatlong tandang pananong na dadalhin ako kung saan-saan. Aangkinin ko na ang aking bawat pagkakataon. Hahayaan ko bang harangin ng iba ang pagkakataong ito? Pipigilan o iiwasan ko ba sila?

Alam ko na ang kasagutan…di bale na’ng lahat. Bahala na ang Diyos!

Kung minsan, mas mahalaga ang pagkakaroon ng mga tamang katanungan na magdadala sa’tin sa mga akma at napapanahong kasagutan…kahit na wala pa ang mga sagot…sa ngayon.

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s