10 Alternatibong Pananaw sa mga Pagsubok

Nakakatuwang isipin na kahit madalas ay hindi naman talaga nakakatuwa ang ilang mga pangyayari (kadalasan nga’y nakakainis o di kaya’y nakaka-praning), may mga mabubuting aral pa rin tayong mapupulot sa mga ito kung susuriin lang natin silang maigi.

Make Do...Or Die

Ang mga pagsubok, ito man ay sa aspetong financial, relational, o spiritual, ay madalas laging may kaakibat na blessing-in-disguise kung bibigyan lang natin ang mga ito ng sapat na panahon at atensyon.

Madalas, pag dumarating ang pagsubok sa buhay natin, halos ipagtabuyan agad natin ito hindi pa man tuluyang nakakatuloy sa buhay natin. Bibihira natin silang tanggapin bilang bisita o mga mensaherong may mga pasalubong na magagandang bagay para sa’tin, gayunma’t hindi maganda ang panlabas na kaanyuan nila.

Kung tutuusin, walang masasabing tunay na tagumpay kung hindi muna ito dumaan sa iilang pagsubok. Kahit ang mga estudyante sa paaralan ay dumadaan sa mga tests at quizzes (gaano man kahirap ito) para masubok ang kanilang kakayanang pumasa para sa susunod na antas.

Sabi nga ng idol kong si Ryzza Mae, “Bawal ang sad. Dapat happy!” Kaya heto ang 10 opsyonal na perspektibo sa mga pagsubok:

  1. Sa oras ng kagipitan, nasusubok at nakikilala ang mga tunay na kaibigan
  2. Sa mga hamon ng buhay, nalalaman ang ating mga tunay na kalakasan at kahinaan
  3. Mas nagiging marunong tayo at handa sa mga parating na kaparehong pagsubok
  4. Nagiging bukas pang higit ang puso at isip natin sa mga bagong kaalaman para sa’ting kabutihan
  5. Lumalakas pang lalo ang pananampalataya natin sa Diyos
  6. Nare-realize natin kung ano talaga ang mga bagay na mas mahalaga sa buhay
  7. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao sa paligid natin na tulungan tayo
  8. Nagiging mas maalab ang samahan ng pamilya
  9. Nabibigyan tayo ng oportunidad na tumuklas ng mga bagong solusyon sa problema
  10. Bawat hamong napagtagumpayan natin ay tumutulong sa’ting maging matatag at matagumpay

Habang may buhay, may pag-asa. At sa totoo lang, habang buhay may pagsubok rin.

Kaya dapat nating matutununang tanggapin ang bawat hamon ng pagkakataon nang bukas-palad at haraping bukas din ang mga mata, puso at isipan para mai-apply sa buhay natin ang lahat ng kabutihang dala nila.

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s