Pag-asa sa Kawalan

Heto uli ang una kong post dito sa Patok Filipino, matapos ang mahigit isang taong hindi ko pagsulat dito. Pumalpak kasi ako eh. At yung kapalpakan kong yun ang naging dahilan ng pagsasa-pribado ko  muna ng blog na ito, habang patuloy na nagsusulat sa wikang banyaga sa Seekers Portal.

Papalpak Ka Muna Bago Ka Pumatok

Nag-attempt ako na gumawa ng 365 Project, yung “Taon ng Pagpapala” (TNP) posts ko pero matapos ang 60 araw, hindi ko na ito ma-sustain dahil sa demands at pressure ng trabaho at ng mga daily routines.

Ang simple lang naman ng kapalpakan ko di ba? Pero lahat tayo may kani-kanyang kapalpakan. Mga kapalpakang kahit gaano ka-simple para sa iba, big deal naman sa’tin. Mga kapalpakang nagpapa-hinto sa’ting magpatuloy sa ilang kasalukuyang gawain natin: gaya ng mangarap sa tuwing nabibigo, umasa kahit na parang halos wala nang pag-asa.

Jobless Pero Hindi Hopeless

Sa ngayon, magda-dalawang buwan na’kong lugmok sa panibagong kapalpakan. Tambay ako ngayon. Walang trabaho. At halos mawalan na rin ng pag-asa.

Walang hanap-buhay pero hindi “walang silbi.” Dahil bukod sa pagiging abala sa mga gawaing bahay na hindi ko naman dati ginagawa, sinisikap kong gamitin ang panahon ko sa mga makabuluhang bagay.

Bukod sa araw-araw kong pagbabasa ng Bible sa tulong ng paborito kong Our Daily Journey, pagba-blog, ginagawa ko ring produktibo ang araw ko sa pagbabasa ng libro at pag-suporta, pagbo-volunteer para makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ni Yolanda.

Kung yung mga Yolanda survivors nga nating kababayan ay may pag-asa, ako pa kaya? Tayo pa kaya? Smile naman dyan!😉

Habang may buhay, may pag-asa. Minsan, mahirap mabuhay at umasa sa wala. Pero mas mahirap mabuhay ng walang pag-asa.

Habang naghihintay ako ng career breakthrough, pinipilit kong buhayin ang pag-asa sa puso ko, at heto ang ilang inspiring photos na nakalap ko online kamakailan lang. Sana makatulong rin sa’yo…

(Click a photo to enlarge and view in black.)

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s