Sulat Para Kay Nanay

Ni: Adrian Pantonial

Background: Nagdi-delete ako ng mga old emails ko nung makita ko ang sulat na’to na in-email ko rin sa mga kapatid ko, encouraging them to make a similar letter. Si Nanay kasi mahilig magbasa at magsulat ng kung anu-ano yun.

Walong taon siyang nawalay sa’min pagkatapos mamatay ni Tatay. Nung bumalik sya, may breast cancer na pala siya. Narito naman yung sulat na may kaugnayan sa yumao kong Ama.

Isa lang ang buhay natin. Huwag nating sayangin ito. Ipakita at sabihin natin sa mga mahal natin sa buhay kung gaano natin sila pinahahalagahan at pinasasalamatan.

——Letter Dated November 23, 2007——– 

Dear Nanay,

Magandang gabi sa’yo!

Naisipan kong sulatan ka kasi minsan lang tayo mag-usap ng maayos. Madalas kasi nagta-talo tayong dalawa. Ang daming bagay nating hindi pinagkaka-sunduan. Gusto ko lang sana humingi ng patawad ninyo para sa mga masasakit na salitang nasasabi ko sa inyo tuwing mag-a-argumento tayo. Sana mapatawad nyo ako.

Madalas, pagkatapos kong masabi yung mga maa-anghang na salita sa inyo, nai-isip ko na sumobra na naman ang bibig ko. Kahit na minsan mali talaga kayo, naisip ko na sana mahinahon ko kayong napagsa-sabihan.

Alam nyo, ‘Nay, lagi akong nananalangin na bigyan ako ng Diyos ng karunungan kung paano kayong ma-i-intindihan pa sa mga bagay na di natin pinagkaka-unawaan. Sabi ng pastor namin sa Victory, kaya madalas ko kayong di ma-intindihan ay dahil bukod sa agwat ng edad natin–may mga bagay akong natutunan na at mga experiences na pinagdaanan na hindi nyo nalaman at naranasan kaya magkaiba tayo ng standard at ilang mga pananaw sa mga bagay-bagay.

Humihingi rin ako ng tulong sa Diyos kung paanong maipapakita ko sa inyo ang pagmamahal ko. Madalas ko kasi kayong naki-criticize at alam kong masakit iyon para sa inyo. Kadalasan nga lang, hindi ko ma-kontrol ang sarili dahil sa pagod ko, lalo na pagka-galing ko sa byahe from work. Nadadala na ako ng galit ko sa mga bagay na ginagawa nyong mali. Patawarin nyo sana ako.

‘Nay, alam nyo,  kaya gusto ko na ring mag-abroad—isa sa mga dahilan ay  para matugunan yung financial na pangangailangan nyo. Alam kong may mga bagay kayong gustong gawin at bilhin. Marami kayong mga frustration sa buhay kaya naman kadalasan gusto nyo pa ring mag-trabaho dahil sa kalagayan natin. Madalas nyong sabihin dati na hindi naman natin madadala sa kamatayan ang pera pero ngayon parang yun ang bagay na malaking problema nyo.

Gusto man naming bigyan kayo ng pera–minsan nababalitaan naming na kung kani-kanino nyo binibigay o ginagamit ang pera para tumulong sa iba. Tuloy, nai-isip naming di nyo na na-e-enjoy yung binibigay naming maliit na halaga sa inyo. Alam ko ‘Nay na gusto nyong tumulong sa ibang tao pero sana lagi nyong alalahanin na una dapat ang pamilya bago sila. FAMILY FIRST dapat ang priority natin. 

Nakikita ko rin ang mga pagsisikap nyong mag-asikaso sa bahay at na-a-appreciate namin yun. Minsan lang di namin nasasabi sa inyo kung gaano naming pinahahalagahan iyon. Maraming salamat  Nanay sa mga ginagawa nyo para sa bahay natin at para sa amin na rin. Patawad kung di ko lagi nasasabing THANK YOU sa lahat ng kabutihan nyo sa amin.

Tungkol naman sa sakit ninyo–kapag may nagtatanong sa akin sa Bible Study at church meetings namin kung ano’ng ipa-pag-pray para sa akin—lagi kong hinihiling sa kanila na ipag-pray kayo at mawala na ang breast cancer nyo. Ngayon, marami pa ring nagpi-pray sa inyo sa mga kaibigan ko sa church.

Kalakip nitong sulat ko ay maliit na halaga. Sisikapin kong makapag-bigay sa inyo kada-sweldo at gayon din ang sasabihin ko kay Budak at Ipeng. Kasama rin nito ay inyong Maxicare Health Card na binabayaran ko ng sa pamamagitan ng Salary Deduction sa Shell at may ilang babasahing kasama sa kung ano ang mga benefits nitong card, paano gamitin at ilang mga ospital/clinic kung saan pwedeng gamitin ito.

Ginawa ko itong sulat para malaman nyong MAHAL KO KAYO sa kabila ng ating mga pagtatalo at nagmamalasakit ako sa inyong kalagayan. Nawa’y patuloy nyo kaming ipagdasal na mga anak nyo para tayong lahat ay umunlad. At ipagdarasal din naming kayong lagi.

Nagmamahal,

Aden

4 responses to “Sulat Para Kay Nanay

  1. Adrian,

    Apologies for commenting in English because Tagalog has always been my Waterloo since childhood ; )

    Although it’s great to hear about your mother coming back to be with you and your other siblings, don’t you think she came back to you guys after 8 long years because she was pretty sick with breast cancer already?

    And if that was the case, do you have in your heart to forgive her for being selfish and self-centered, leaving you guys on your own after 8 long years? And did she actually change her attitude/became more loving towards you guys after coming back sick?

    Just a thought . . . to be frank, I’m kinda skeptical with the great comeback especially when I don’t know why she left in the first place.

  2. @ Mystified – Thank you for dropping by and leaving a comment.

    I appreciate your concern but let me explain the background more for your reference.

    Me and my siblings believe that our mother really made a wrong decision in leaving us for 8 years because her life there was more poverty-stricken than with us back then. She doesn’t have the means to have herself checked. More here >> http://seekersportal.wordpress.com/2010/11/01/hindi-na-ako-bata-part-2%E2%80%94para-sa-laban-ni-inay/

    When she returned and the symptoms worsened, that’s when I went with her to a public hospital but she hesitated because of the “scenes” she saw there. Few more months went on when she finally decided to undergo surgery, that’s when I quit my attempt for further studies, returning to work to provide for her medical needs. More here >> http://seekersportal.wordpress.com/about/reinventing-my-life/

    It was tough forgiving her and it took awhile before I was able to show my respect and love to her again after her return but (in short) God enabled me to do so. She tries her best to change for the better even until now and we’re happy with the progress.

    In this life, there are things beyond our understanding but God’s grace ushers in the change that we need within and around us. More here >> http://seekersportal.wordpress.com/2011/07/14/grace-redemption-beautiful-change/

    Whew! That’s a lot of explanation. LOL! ;P

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s