Jumpstart sa Makulay at Magandang 2012

Ni: Adrian Pantonial

“It is not the mountain we conquer but ourselves.”- Edmund Hillary (New Zealander mountain climber, first to successfully climb Mount Everest)

Gusto kong simulan ng tama at makabuluhan ang 2012 ko kaya bandang 6 am gising na ako – bagay na hindi ko normal na ginagawa.

2012

Heto ang ilang highlights sa uber-productive na araw na ito:

  1. Nag-almusal ng whole wheat bread with cheese spread, hotdog, coffee, at grapes. Yummy!
  2. Nag-devotional sa favorite kong quiet time duo: Our Daily Journey at Bible
  3. Naglalaba sa washing machine while reading The Alchemist ni Paulo Coelho in-between
  4. Nag-hugas at nag-refill ng mga water container ng pamilya sa refrigerator
  5. Bumili ng mga sako at nagtapon ng basura sa kusina
  6. Naghatid ng dalawang regalo sa inaanak ko na birthday rin ngayon
  7. Um-attend ng church sa Victory Metro East
  8. Nag-treat sa Victory Group ko sa Shakeys Sta. Lucia East Grandmall

Gusto ko ring tapusin ng tama at makabuluhan ang araw na ito kaya tatapusin ko ang blog post na ito pati ang isa pa para sa Seekers Portal.

Insight: Desire > Discipline > Delight

Lahat ng mga magandang plano natin this year ay magsisimula sa pagtatagumpay nating labanan ang ating mga sariling kahinaan sa tulong ng Diyos at ng ating pamilya’t kaibigan.

Simulan natin ang bawat adhikain sa Desire, na maa-accomplish ng Discipline at magbibigay tuwa (Delight) sa’tin at sa mga taong mapapagpala nito kung makukumpleto natin ang buong proseso sa bawat goal.

Isang Mapagpalang Bagong Taon sa inyong lahat!

Tanong: Ikaw? Paano mo sinimulan ang 2012 mo?😉

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s