Magpasalamat Ka Naman

Ni: Adrian Pantonial

“In daily life we must see that it is not happiness that makes us grateful, but gratefulness that makes us happy.” -Brother David Steindl-Rast, Austrian-American Author and Benedictine Monk

Madali lang naman magpasalamat di ba? Bakit hindi ginagawa ng iba? Baka naman…

  • Busy lang talaga at maraming iniisip
  • Puro problema ang iniisip – nalilimutan ang mga blessings
  • Hindi nila sinasa-buhay ang mga mabuting aral na natutunan

Simple lang naman ito at magandang gawin araw-araw para feel-good ka at carrier ng good vibes. Kaya magpasalamat ka naman…

  • Kapag pinasa ng kapwa pasahero ang pamasahe mo sa driver
  • Pinaupo ka ng gentleman sa MRT/jeep
  • May nag-positive comment sa blog mo
  • May nag-share ng masterpiece mo sa Facebook
  • Kung nakita mong nangolekta ng basura ang janitor sa desk mo
  • Sa mga taong tumulong sa’yo this year
  • Sa mga nagdasal para sa breakthrough mo
  • Sa Diyos na nagbigay ng lahat ng meron ka ngayon

Itong nagdaang Pasko, binigyan ko ng Our Daily Journey devotional book yung Boss ko sa office. Natuwa sya at nagpa-salamat sa’kin sa team chat room namin. Last week naman, dahil malilipat na ako ng ibang Boss next year, nag-post ako ng papuri sa kanya sa internal global website ng kumpanya. Sobrang tuwang-tuwa sya at ganun rin ako.

Maganda ang feeling nang natulungan at nabigyan ng biyaya pero mas maigi din kung ikaw naman ang nagbibigay-saya lalo na sa mga taong dapat mong pasalamatan.

Ang taong mapagpasalamat ay positibo ang pananaw sa buhay. Walang taong walang problema. Kahit na ang mga mayamang tao ay may problema. Matututo sana tayong magpasalamat kahit sa maliit na bagay dahil yung iba ay wala nito.

Suggestion: Isipin ang taong dapat mong pasalamatan. Paano mo ito gagawin?

Ano'ng say mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s