60 Araw ng Pagpapala

Ni: Adrian Pantonial

Dahil sa ilang nakita kong interesting WordPress Project 365, na-inspired akong gumawa ng sarili kong proyekto na araw-araw ipo-post sa loob lang ng dalawang buwan. Hehe! Pa-uso lang di ba? ;-)

Tutal mahigit isang dekada na akong Christian na nagsimula sa kwentong ito, narinig ng madlang people dito, nagbunga ng ganito, kaya panahon na para kareer-in ang pagbibigay inspirasyon.

Ang bawat “Taon ng Pagpapala” (TNP) post ay naglalaman ng piling Bible verse/s at Tagalog blessings na gawa ng 1-5 lines at 1 point lesson lang.

Pwede syang…

  1. Gamitin bilang “dessert” sa’yong daily devotion.
  2. Prayer-starter
  3. I-forward sa mga ka-pamilya at kaibigan sa email or sa cellphone text

AKSYON: I-type na ang email address mo sa ilalim ng Sali na sa Patok para punan ng inspirasyon ang iyong buhay gaya ng tatlong ito...
——————————-

Day 1: Liwanag sa Daan

“Your word is a lamp to my feet and a light for my path.”- Psalm 119:105

“Nawa’y patnubayan ka ng Diyos sa mga gagawin mong desisyon ngayon para mangyari ang pinaka-magandang kalooban Niya sa buhay mo, upang higit ka pang maging pagpapala sa mga pamilya mo at kaibigan.”

Ang patnubay ng Diyos ang pinaka-mabuti sa lahat — higit sa karunungan ng sinumang tao.

——————————-

Day 2: Punan ng Kulay ang Buhay

“Teach us to number our days, that we may gain a heart of wisdom.” -Psalm 90:12 NIV

“Malaman mo nawa at gawin ang misyon mo sa mundo na hindi lang para sa’yong sariling kapakanan, dahil tiyak doon ka magtatagumpay at magiging  maligayang lubos.”

Tinakda na ng Diyos ang bilang ng taon na ilalagi natin sa mundo. Gawin nating makabuluhan bawat araw nito.

——————————-

Day 3: Pagpapala at Papuri sa Mabuti

“Whoever pursues righteousness and love finds life, prosperity and honor.”-Proverbs 21:21

“Huwag ka nawang magsawa sa pag-gawa ng mabuti dahil sa pag-ibig mo sa Diyos. Nawa’y makamtan mo ang buhay na umaapaw sa pagpapala at papuri na bigay Niya.”

Pinagpapalang lubos ang buhay na matuwid.

——————————-

 

Anong masasabi mo dito, kabayan?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Impormasyon at Inspirasyon Para sa Patok na Pinoy

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 170 other followers

%d bloggers like this: